Ito’y matapos maratipikahan sa parehong kapulungan ng Kongreso ang bicameral committee report ng panukala na in-adopt unanimously ng Senado kahapon.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar na vice chair ng Senate committee on foreign relations, kumpyansa siyang uunahin ng pangulo ang pagsasabatas nito dahil kasama ito sa kaniang agenda.
Binanggit pa ni Villar na sa unang state of the nation address ni Duterte noong nakaraang taon, ipinakiusap niya sa Kongreso ang pag-amyenda sa batas na may kaugnayan dito.
Sa bilis aniya ng pagratipika nila dito, makikita na lahat ng mga mambabatas ay nagkakasundo sa tulungan ang mga biyahero partikular na ang mga overseas Filipino workers.