Nasa isang oras sinuspinde ni Sen. Gregorio Honasan ang pagdinig, para bigyan ng panahon ang CA na i-proseso ang mga bagay at isyung may kinalaman kay Ubial.
Maluha-luha si Ubial nang humarap sa CA, at iginiit na sa pamahalaan na siya nagseserbisyo simula pa 28 taon na ang nakalilipas.
Pero iginiit ni Roque na ayaw niya kay Ubial dahil sa incompetence, pagsisinungaling sa Kongreso, pagsasayang ng pera ng gobyerno at korapsyon.
Ani Roque, pabago-bago ang mga sinasabi ni Ubial tungkol sa public health, at sinubukan nitong ilipat ang P3 bilyong halaga ng pondo para sa dengue vaccines, sa pagbili ng pneumonia vaccines.
Mayroon din aniyang 101 na invalidated appointments si Ubial sa Eastern Visayas Regional Meeical Center, at mali aniya ang target na komunidad ng pamimigay nito ng libreng condoms.
Samantala, itinanggi naman ni Ubial na may kinalaman siya sa pagdedesisyon kung ipagpapatuloy o hindi ang dengue vaccine program.
Nilinaw naman niyang hindi siya ang gumawa ng 101 na invalidated appointments kundi ang kaniyang sinundan bago siya maupong OIC medical chief nito.