‘Balanced foreign policy’ tututukan ni Cayetano

 

Siniguro ni bagong Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na tututukan nya ang pagbalanse sa foreign policy ng bansa.

Ayon kay Cayetano, kokonsulta rin sya sa mga opisyal ng DFA para makakuha ng impormasyon kung paano pa mapapaganda ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

Importante aniya ang maayos na relasyon lalo na sa mga bansang mayroon tayong mga kababayan.

Kasama kasi aniya sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan lalo na ng mga overseas Filipino workers gaya nang pagpapabilis ng pagkuha ng pasaporte at iba pang mga dokumento.

Kasabay ng pakikipagkaibigan kasama raw sa kaniyang aatupagin ang
karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Read more...