China naglagay na ng rocket launchers sa Kagitingan reef

 

Naglagay na ng mga rocket launchers ang China sa isa sa mga pinag-aagawang bahura o reef sa Spratlys sa South China Sea.

Ito ang nilalaman ng isang artikulo mula sa Defense Times Newspaper, isang pahayagan na pinatatakbo ng gobyerno ng China.

Ayon sa artikulo, nakapuwesto na ang mga Norinco CS/AR-1 55 millimeter anti-frogman rocket launcher defense system sa Fiery Cross reef na may kakayahang tukuyin at salakayin ang mga combat divers ng kalaban.

Ang mga naturang armas ay nakalaan para sa puwersa ng Vietnamese military combat divers na lalapit sa Fiery Cross reef o Kagitingan reef ayon pa sa artikulo.

Ang Kagitingan o Fiery Cross reef ay hawak ng China ngunit kapwa inaangkin ng Vietnam, Taiwan at Pilipinas.

Bukod sa mga rocket launchers, nauna nang naglagay ng mga runway, airport at iba pang struktura ang China sa Fiery Cross reef at iba pang bahura sa pinag-aawagawang Spratlys island chain.

Read more...