Desisyon ng arbitral tribunal, alanganin pang mapag-usapan sa bilateral talks sa China

 

Magsisimula na ngayong araw ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China, ngunit hindi pa tiyak kung mapag-uusapan ang naging desisyon n arbitral tribunal tungkol sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Philippine Ambasador to China Chito Sta. Romana, mahigpit na ibinilin sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na ungkatin ang ganitong usapin sa tamang panahon.

Hindi naman aniya nila ito maaring banggitin agad sa simula ng pag-uusap dahil magdudulot lamang ito ng hidwaan.

Hindi na rin binanggit pa ni Sta. Romana kung ano pa ang mga posibleng mapag-usapan sa bilateral talks, basta’t tiniyak lang niya na nakahanay ito sa pagpapabuti ng bilateral relations ng Pilipinas at China sa mapayapang paraan upang maiwasan ang karahasan.

Si Sta. Romana din ang mamumuno sa team ng Pilipinas sa bilateral talks, habang ang team naman ng China ay pamumunuan ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Read more...