Pagmamaktol ni Taguiwalo hindi pinalusot ni Lacson

Taguiwalo1Ikinabuwisit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pagmamaktol ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo makaraang hindi matuloy ngayong araw ang ikalawang pagsalang niya sa Commission on Appointments (C.A) confirmation hearing.

Sa kanyang mensahe sa twitter account ay inakusahan ni Taguiwalo ang C.A na sinasadya ang pagdelay sa kanyang confirmation.

Sabi ni Taguiwalo, tila sinasaktan at tinorture siya ng makapangyarihang komisyon.

Agad binatikos ni Lacson ang behavior ni Taguiwalo dahil may dahilan naman kaya nabalam ang pagsalang nito sa confirmation hearing kanina.

Naubos kasi aniya ang oras ng CA sa pagdinig sa appointment ng ilang Ambassadors at foreign service officials at ni Health Sec. Paulyn Ubial.

Nagbanta pa si Lacson na babawiin ang suporta pabor sa kumpirmasyon ni taguiwalo dahil sa hindi magandang inaasal nito laban sa C.A.

Maging ang mga CA members na sina Senators Franklin Drilon at JV Ejercito ay nagsabi din na hindi naman sinasadya na madelay ang proseso ng pagkumpirma kay Taguiwalo.

Read more...