NPA nakasagupa ng pulisya at militar sa Laguna

NPA membersIsang bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang naganap sa National Hiway ng Luisiana, Laguna.

Ayon kay P/Supt. Chitdzadel Gaoiran, tagapagsalita ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), isang sibilyan at apat na miyembro ng militar ang sugatan sa naganap na sagupaan.

Sinabi ni Gaoiran na nagsimula ang engkwentro 3:12 ng hapon sa boundary ng Barangay San Antonio at Barangay San Jose, Luisiana.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Sgt. Marvin Bagaboro, Sgt. Zaldy Lebantino, Sgt. Teejay Antonio at Sgt. Jeff Ray Gatlabayan ng 202nd Brigade ng Philippine Army at sibilyang si Domingo Garcillas.

Mayroon din anyang sugatan sa panig ng mga rebelde ngunit hindj pa nila matukoy ang bilang ng mga ito.

Dahil sa bakbakan, hindi muna pinapadaanan ang National Highway ng Luisiana.

Bago ang engkwentro sa Laguna, naunang nakasagupa ng militar at pulisya ang isa pang grupo ng NPA sa Lucban, Quezon. H

 

Hinala ng pulisya blocking force ng mga rebelde ang nakakasagupa nila sa Laguna.

Read more...