Ito ang ginawang pag amin ni PO1 Fernan Manimbo sa ginawang pabisita sa kanya ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa loob ng Teresa Municipal Police Station kung saan siya panamantala siyang nakakulong.
Kasabay nito sinermonan din ni Dela Rosa ang lahat ng tauhan ng Teresa PNP at tinanong kung bakt walang nakakaalam sa operasyong ni Manimbo na halos isang taon ng nakatalaga sa nasabing lugar.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Dela Rosa na handang ikanta ni Manimbo ang lahat ng kanyang mga kasangkot sa illegal drug trade basta’t huwag lang daw muna itong ilabas sa media.
Samantala inirekomenda na ni Dela Rosa na agad tanggalin sa serbisyo si Manimbo habang nirelieve na rin ang hepe ng Teresa Municipal Police Station.
Dahil 30-45 minutes pa ang byahe mula Teresa Municipal Police Station hanggang sa Taytay Prosecutors’ Office ka minabuti na ng korte na sa kulungan na lamang na isailalim sa inquest proceedings si Manimbo lalo’t ikinukinsodera itong hight valued target.
Dismayado naman ang hepe ng PNP na sa kabila ng kanilang kampanya na linisin ang hanay ng pulisya ay maramin pa ring pulis ang nasasamgkot sa kalakaran ng iligal ma droga.
Sinabi pa ni Dela Rosa na tuloy pa rin ang paglilinis sa kanilang hanay base na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Manimbo ay inaresto ng kanyang mga kapwa pulis sa pamamagitan ng isang buy bust operation kagabi kung saan nabawi sa kanya ang halos ay 100 gramo ng shabu.
Magugunitang noong 2006 ay ni-raid ng mga tauhan ng PNP, PDEA at NBI ang isang shabu tiangge sa Pasig City na umano’y pinatatakbo ng bigtime drug lord na si Amin Boratong.
May mga reports rin na kahit nasa loob ng Bilibid ay nagpapatuloy ang pagtutulak ng droga ng naturang drug lord.