Malacañang inirerespesto ang posisyon ng Ombudsman sa kaso ni Napoles

Napoles1Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na haharangin niyang maging state witness sa pork barrel scam probe ang pangunahing suspek na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hiwalay na sangay ng pamahalaan ang hudikatura at hindi ito pakikialaman ng ehekutibo.

Gayunman, sinabi ni Abella na ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Justice ang pagpapasya sa magiging kapalaran ni Napoles.

Matatandaang una nang isinusulong ng ilang sektor na muling buksan ang imbetigasyon sa pork barrel scam at gawing state witness si Napoles.

Kamakailan lang ay mauling naging mainit ang isyu makaraang ma-abswelto ng Court of Appeals si Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa sa kanya ni Benhur Luy.

Read more...