Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng palasyo ang pagsisikap at mga naiaambag ni Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito kahit noong siya ay senador pa lamang.
Pinuri naman ni Abella ang tumayong acting foreign affairs secretary na si Enrique Manalo dahil sa mga nagawa niya sa kagawaran sa loob ng maikling panahon.
Samantala, sinabi Abella na mananatili si Manalo bilang bahagi ng diplomatic corps ng bansa.
Sa oras na uupo ng foreign affairs secretary si Cayetano ay babalik bilang DFA undersecretary for policy at undersecretary for asean senior officials meeting si Manalo.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na wala silang nakikitang hadlang sa pag-upo ni Cayetano bilang bagong kalihim ng DFA.