Sen. Alan Peter Cayetano, lusot na sa Commission on Appointments

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Aprubado na ng makapangyarihang Commission on Appointments ang appointment ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Tumagal lamang ng limang minuto bago tuluyang makumpirma si Cayetano.

Agad na naaprubahan ang apppointment ni Cayetano matapos i-convene ng CA committee on foreign affairs na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson.

Hindi pa man natatawag ni Cayetano para magsalita sa harap ng CA, ay agad nang nag-move para sa kanyang kumpirmasyon ang isang miyembro ng panel.

Ang rekomendasyon ng CA ay isusumite na sa plenaryo para sa approval o rejection.

Noong nakaraang May 10, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang DFA chief.

Una nang sinabi ni Lacson na sakaling makumpirma na si Cayetano ay ikokonsidera na siyang ‘deemed resigned’ sa Senado.

Papalitan ni Cayetano si dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na una nang ibinasura ng CA ang kanyang ad interim appointment dahil sa citizenship issue.

Read more...