App-based programs, bawal na rin sa pagmamaneho ayon sa LTO

Bawal din ang paggaWAZEmit ng Waze o GPS-based geographical navigation application program pati na ang Uber at grab na ginagamit ng mga TNVS o Transport Network Vehicle Service habang nagmamaneho.

Ito ay batay sa Implementing Rules and Regulations o IRR na itinakda ng Department of Transportation para sa Anti-Destructive Driving law na simula nang ipatutupad bukas, May 18, 2017.

Paglilinaw ni Land Transportation Office chief Edgar Galvante, kung hindi maiiwasan na gamitin ng mga motorista ang mga naturang application ay kailangan nilang tumabi muna ng kalsada para iwas-disgrasya.

Lahat aniya ng mga sasakyan maliban sa ambulansiya ay saklaw ng batas pati na ang mga naka-diplomatic plate.

Sinabi ni Galvante na hindi lamang mga enforcers ng LTO, MMDA, LTFRB at HPG ang magpapatupad ng Anti-Destructive Driving law kundi maging ang mga traffic enforcer ng mga local government unit.

Read more...