‘Ransomware’ posibleng nagmula sa North Korea-eksperto

 

Dumadami ang mga ‘circumstancial evdience’ na nagtuturo sa North Korea bilang posibleng pasimuno ng pinakahuling insidente ng pagkalat ng ‘Wannacry ransomware’ virus sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa isang South Korean cybersecurity expert, ito’y dahil halos magkakahawig ang panghohostage ng mga computer at servers sa maraming bahagi ng mundo sa mga naunang cyberattack na isinisisi sa North Korea noon.

Sinabi ni Simon Choi, director ng anti-virus software company na Hauri Inc., na nag-analisa sa ‘malware’ o malicious software mula sa North Korea noong 2008, hindi na bago ang North Korea sa mundo ng ‘bitcoins’.

Noong 2013 pa aniya gumagamit ng mga ‘malware’ ang North Korea upang makatangay ng mga ‘bitcoin’ sa worldwide web.

Nagawa niya rin aniyang makausap noong nakaraang taon ang isang hacker na gumagamit ng North Korean internet address na nagsabing bumubuo na sila ng ‘ransomware’ kaya’t inalerto niya agad ang mga South Korean authorities ukol dito.

Inirekomenda pa ni Choi sa mga eksperto na gumawa na ng kaukulang hakbang at mag-sama sama upang pigilan ang pagkalat ng mga cyber threats na nagmumula sa North Korea na nagsasanay na umano ng mga ‘cyberwarriors’ sa mga paaralan.

Dapat aniyang kumbinsihin ng ibang bansa ang China na tuluyang putulin ang access sa internet ng North Korea.

Read more...