Isang bahagi ng Changi airport sa Singapore, nasunog

 

Ilang oras na na-delay ang byahe ng mga eroplano sa Changi airport sa Singapore makaraang sumiklab ang sunog sa Airport Terminal 2, Martes ng gabi.

Ayon sa Singapore Civil Defense Force, nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas 5:43 ng hapon sa departure hall ng naturang paliraparan.

Kumalat ang usok sa malaking bahagi ng paliparan mula sa air vents.

Agad namang pinalikas ang mga pasahero mula sa Terminal 2 sanhi ng insidente.

Natukoy na ng mga airport personnel ang pinagmulan ng apoy dakong alas 6:38 ng gabi, ngunit naapektuhan pa rin ng mga delays ang mga pasahero sa Terminal 2.

Dahil sa sunog, napilitang i-divert sa ibang paliparan ang ibang mga eroplano na papalapag sana sa Changi airport.

Read more...