Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dapat ihiwalay ang usapin sa isyu ng territorial dispute sa ibang mga transaksiyon na ginagawa ng Pilipinas sa China.
Ibinahagi ni Lorenzana na nitong Disyembre ay nag-alok ang China ng 14 millions dollars na halaga ng armas at equipment.
Iginiit naman ng Defense Secretary na magiging compatible ito sa equipment na mayroon ang Pilipinas dahil gumagawa ang China ng mga armas na pasok sa standard ng Napto agreement.
Bago matapos ang taon inaasahan na maidi-deliver na ng China sa Pilipinas ang nasa apat na fast boats, 200 sniper rifles at ilang daang rocket propelled grenade with ammunitions.
Kasama si Lorenzana sa delegasyon ng pangulo na dumadalo ngayon sa One Belt One Road Forum sa Beijing.