Matapos patayin ng Kamara ang kanyang impeachment complaint kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte, dudulog si Alejano sa International Criminal Court o ICC.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Alejano na malinaw na nagkaroon ng railroading sa pagdinig ng House Justice Committee sa kanyang reklamo.
Pero dahil malabong makahingi siya ng saklolo sa Korte Suprema o Department of Justice, aakyat siya sa ICC.
Makikipag-pulong aniya siya sa mga taga-Magdalo upang isapinal ang kanilang susunod na hakbang.
Samantala, walang pakialam si Alejano kung sampahan siya ng ethics complaint o perjury dahil sa kanyang paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte.
Wala aniyang problema kung kakasuhan siya at kung umabot pa sa pagkatanggal sa kanya sa pagiging kongresista.
Sa hearing kanina, binalaan siya ni House Majoriy Leader Rudy Fariñas na delikado sa ethics complaint at perjury si Alejano, lalo na nang makwestyon kung authentic ba ang mga ebidesya nito laban sa pangulo.