Ethics complaint laban kay Sotto, ipinasa ni Lacson sa legal counsel ng Senado

panfilo lacsonPinalilinaw muna ni Sen. Ping Lacson sa legal counsel ng Senado ang ethics complaint laban kay Senate Majority Leader Tito Sotto.

Ayon kay Lacson ang reklamo kay Sotto ay bilang miyembro ng Commission on Appointments kaugnay sa ‘naano lang’ joke niya matapos malaman na single parent si DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Dagdag paliwanag ni Lacson may sariling disciplinary mechanism ang CA kayat giit niya baka labagin nila ito kapag nag-imbestiga ang kanilang ethics committee.

Dagdag pa ng senador hindi kailangan magbitiw ni Sotto bilang ethics committee hanggang hindi malinaw ang hurisdiksyon ng reklamo laban sa kanya.

Read more...