Sa report mula sa Laguna Provincial Police at 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, naganap ang pag-atake ng mga komunistang rebelde linggo ng hapon sa Barangay Piit.
Ayon kay Majayjay Mayor Carlo Clado, wala namang namatay sa pag-atake pero binalaan nito ang publiko na lumayo sa lugar ng bakbakan at maging alerto lalo na ang mga nasa kalapit na bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon na ngayon ay nagdiriwang ng Pahiyas festival.
Dagdag ng alkalde, balik normal na ang sitwasyon sa kanilang bayan pero nakaalerto pa rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa lugar.
Posible aniyang target ng NPA ang kumpanyang Majayjay Hydropwer Inc., dahil sa pagtanggi nitong magbigay ng revolutionary taxes.
Wala namang inilabas na pagkakilanlan ng nasugatan mga sundalo at kung ilan ang eksaktong bilang ng mga rebeldeng umatake.
Naglagay naman ng mga checkpoint sa naturang mga lugar sa gitna ng pagtugis ng otoridad sa mga rebelde.