Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat gawing espesyal ang Mother’s day upang alalahanin ang mga isinakripisyo ng mga ina.
Inapela rin ni Santos sa lahat ng mga anak ng OFWs na tawagan at bitiin ang mga magulang upang ipadama ang pagmamahal sa kanila.
Giit pa nito, ang mga ina ang mas nagdurusa kapag malayo ang mga anak kung kaya’t malaking bagay na aniya ang simpleng pagtawag sa kanila.
Samantala, maaari namng masuklian ang lahat ng naisakripisyo ng magulang sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagbibigay ng dangal sa pamilya.