2 illegal recruiters, arestado sa Maynila

arrestNaaresto ang dalawang illegal recruiter sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDEU) ATCU o Anti-Transnational Crime Unit sa Vito Cruz, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Luz Barroga at Gloria Sanchez na dinampot ng mga otoridad matapos tanggapin ang marked money mula sa walong biktima na pinangakuan ng trabaho sa Japan.

Ayon kay Supt. Roque Merdegia, hepe ng PNP CIDG ATCU, ikasa ang operasyon kahapon laban sa mga suspek na nanghihingi ng P50,000 sa mga biktima bilang placement fee.

Modus ng mga suspek na pangakuan ng trabaho bilang mga dairy farm worker ang mga biktima sa Japan kapalit ng malaking halaga.

Sasampahan ng kasong large scale illegal recruitment at large scale estafa ang dalawang suspek.

Read more...