Pagpuno sa pwesto ni Cayetano, nasa kamay na ng Senado – COMELEC

CayetanoNilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na nasa kamay na ng Senado ang desisyon kung magsasagawa sila ng special election para palitan si Sen. Alan Peter Cayetano.

Ito’y matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, si Senate President Koko Pimentel na ang bahala kung babakantehin ba ang posisyon ni Cayetano sa Senado.

Paliwanag ni Jimenez, sakaling may isang mambabatas na lilisanin ang kaniyang pwesto, may kapangyarihan ang liderato ng Senado na ideklarang bakante ang posisyon at magtawag ng special election.

Aniya, hindi na ito tungkulin ng COMELEC.

Si Cayetano ay nahalal noong 2013 para sa anim na taong panunungkulan sa Senado, at kailangan niya itong bitiwan para makaupo bilang kalihim sa DFA.

Read more...