Aquino, iginiit na hindi siya dapat kasuhan kaugnay ng DAP

noynoy-aquinoTaliwas sa mga sinasabi ng mga nagsampa ng kaso laban sa kaniya, iginiit ni dating Pangulong Benigno Aquino III na walang “probable cause” para siya ay kasuhan kaugnay ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Matatandaang naglabas ng resolusyon noong Marso ang Office of the Ombudsman kung saan nakasaad na lusot sa kaso si Aquino sa kabila ng pagkakaroon ng probable cause na kasuhan si dating Budget Sec. Florencio Abad.

Umapela ang mga nagsampa ng kaso kabilang si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Ombudsman na ipaliwanag kung bakit ganoon ang kinalabas, kaya pinagkomento ng Ombudsman si Aquino.

Dito, ipinabasura ni Aquino ang motion for reconsideration na inihain ng mga compalainants dahil wala namang “sufficient ground” para patunayang karapat-dapat siyang kasuhan.

Iginiit ni Aquino na ginampanan lang niya ang “core executive functions” niya bilang pangulo at hindi niya sinapawan ng kapangyarihan ang Kongreso.

Wala rin aniyang sapat na dahilan para kasuhan siya ng technical malversation dahil wala naman siyang direktang kustodiya sa kaban ng bayan.

Hindi rin aniya maituturing na direktang pag-gasta ng pondo ang paglalabas ng budget circulars at memoranda.

Hindi rin aniya siya dapat kasuhan ng graft dahil ipinatupad niya ang DAP sa paglalayong mapabilis ang mga infrastructure spending na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ng dating pangulo, hindi rin naman napatunayan ng complainants na nalugi ang gobyerno dahil sa nasabing programa.

Read more...