Nabatid na pinagkukutaan umano ng naturang kampo ni ASG sub-leader Furuji Indama.
Ayon kay 4th Special Forces Battalion Commmanding Officer Lt. Col. Andrew Bacala, ginamitan nila ng supersonic fighter jets ang mga bandido bukod pa sa mga kanyon at baril.
Alas diyes ng umaga nang tuluyang makubkob ng militar ang kampo ng mga bandido.
Narekober ng militar ang mga materyales sa paggawa ng bomba, mga pagkain at tatlong live IEDs kung saan isa ang sumabog na ikinasugat ng dalawang sundalo.
Nakasagupa naman ng mga sundalo ang mga tumatakas na bandido 300 metro mula sa nakubkob na kampo ng ASG.