Matobato, nagtatago sa Eastern Visayas ayon sa NBI

edgar-matobato-1Tinutugis ng National Bureau of Investigation ang self-proclaimed Davao Death Squad hitman na si Edgar Matobato na umano’y nagtatago sa Eastern Visayas.

Ayon sa NBI Region 11, nagpadala ang NBI Central Office ng ilang agents na maghahanap kay Matobato.

Ito ay matapos ang impormasyon na nagtatago sa lugar si Matobato.

Hindi naman binanggit ng NBI Regional Office kung saan sa rehiyon nagtatago si Matobato.

Nabatid na may kamag-anak ang dating DDS member sa isang lugar sa Eastern Visayas.

Aminado naman ang NBI na mahihirapan silang hanapin si Matobato dahil maraming rebeldeng NPA sa lugar.

Read more...