Tugon ito ni Lopez sa tanong kung mayroon plano si Duterte na ilagay siya sa ibang posisyon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Lopez na may mga makakalikasang grupo ang nakapaligid sa pangulo.
“You know he’s [President Duterte] also surrounded by mining industry,” ani Lopez.
Pero tila agad na kumabig si Lopez nang ipapaliwanag sa kanya ang naturang pahayag.
Sa halip, sinabi ng dating kalihim ng DENR na batay sa kanyang karanasan, si Duterte ay isang lider na matapang at gagawin ang mga gusto kahit ano pa ang sabihin ng mga tao.
“My experience with the president is he’s really matapang. He doesn’t care about anyone or anything. Gagawin niya ang lahat,” dagdag ni Lopez.
Binanggit din ni Lopez na hindi pa niya nakakausap ang pangulo simula nang umalis siya bilang kalihim ng DENR.
Si Lopez ay bigong makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments nang sumalang siya sa kumpirmasyon.
Matatandaang nakatanggap ng pambabatikos at kritisismo si Lopez matapos ipag-utos ang pagpapasara sa dalawampu’t tatlong mining company at suspensyon sa limang iba pa.