Panoramic view ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta, dapat daw mapanatili

torre de manilaNais ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) na gumawa ng paraan ang pamunuan ng DM Consunji Incorporated (DMCI) ang developer ng kontrobersiyal na Torre de Manila upang mapanatili ang panoramic view ng Monumento ni Gat Jose Rizal.

Sa kanyang liham sa DMCI, hiniling ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte sa DMCI na ayusin ang hitsure ng Torre de Manila upang hindi makasira sa monumento ng pambansang bayani.

Aminado si Belmonte na nalulungkot siya sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa DMCI na ituloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila ngunit wala na aniyang magagawa kundi sundin ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Binanggit din ni Belmonte sa liham na maging ang mga dayuhang bumibisita sa makasaysayang Rizal Park partikular dito ang mga head of states ay napapansin din ang idinulot na destruction ng Torre de Manila sa inaasahang malinis na papawirin sa likod ng Bantayog ni Dr. Rizal.

Aminado si Belmonte na siya ay napapahita tuwing may dayuhang bisita at nagtatanong kung para saan at ano ang ginagawa ng Torre de Manila sa likod ng Bantayog ni Gat Jose Rizal.

Read more...