Ayon sa abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia-Flores, naghain sila ng motion for reconsideration sa CA noong April 26.
Pero hindi na idinetalye ng abogado ang nakasaad sa apela ni Pemberton.
Si Pemberton ay hinatulang makulong ng anim hanggang sampung taon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 noong December 2014 kasunod ng isang taong paglilitis.
Hiniling ng amerikanong sundalo na makalaya siya sa katwirang self-defense ang nangyari dahil sinampal umano siya ni Laude matapos niyang madiskubre na may private part ito ng isang lalaki sa kabila ng hitsurang babae.
Argumento pa ni Pemberton, posibleng ibang tao umano ang pumatay kay Laude at kaduda duda ang pagkamatay nito.
Pero ibinasura ng CA 16th division ang alibi ni Pemberton dahil imaginary o hindi umano kapani-paniwala ang depensa nito.