Korte Suprema, pinagpapaliwanag ang DAR ukol sa land distribution sa Hacienda Luisita

HACIENDA LUISITANagpalabas ang Korte Suprema ng show cause order sa Department of Agrarian Reform ukol sa land distribution sa Hacienda Luisita.

Ipinag-utos ng Mataas na Hukuman sa DAR na ipaliwanag kung bakit hindi dapat sila i-cite for contempt dahil sa bigong pag-iimplementa ng land distribution.

Sakop din sa kautusan ang Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita (Ambala), isang organisasyon ng mga magsasaka sa sugar plantation na pag-aari ng pamilya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang resolusyon na inilabas noong May 3, binigyan ng SC ang DAR ng sampung araw para magsumite ng kanilang tugon sa motion for contempt na inihain ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) noong nakaraang buwan.

Sa naturang mosyon, inakusahan ng RCBC si DAR Secretary Rafael Mariano na nilabag ang desisyon ng SC na nag-uutos sa ahensya na ipamahagi ang 500 hectare na lupa sa Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Nabatid na pagmamay-ari ng RCBC ang 184 hectare property sa Hacienda Luisita.

Read more...