Napoles, handang kilalanin ang iba pang sangkot sa pork barrel scam

 

Mas marami pang mambabatas at opisyal ng gobyerno ang papangalanan ni Janet Napoles na sangkot umano sa pork barrel scam.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David, hindi lamang mga mambabatas kundi pati high ranking officials sa gobyerno ang dawit umano sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Sa pulong kay Justice Sec. Vitaliano Aguiree II, natalakay ang posibleng pagiging state witness ni Napoles.

Nais ng kampo ng umano’y pork barrel scam na matanggap ito sa witness protection program ng DOJ.

Tiniyak ng abogado na mas marami pang mataas na opisyal ang papangalanan ng kanyang kliyente.

Hakbang ito ni napoles matapos siyang iabswelto ng Court of Appeals sa kasong seious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy.

Nang pumutok ang pork barrel scam ay ibinigay ni Napoles sa DOJ ang listahan ng mga senador at kongresista na umanoy may kickback sa kanilang PDAF pero sina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada lamang ang nakasuhan at nakulong.lenlen

Read more...