Escudero sa CHR: ‘Dito muna sa bansa magreklamo sa halip na sa international community’

 

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Dapat unahin muna ng Commission on human Rights na ilantad ang mga kaso ng human rights violations sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno dito sa bansa bago ito ibunyag sa international community.

Ito ang pananaw ni Senador Chiz Escudero matapos iprisinta ng panig ng Pilipinas ang estado ng human rights sa bansa at ipagtanggol ang gyera kontra droga sa United Nations sa Geneva, Switzerland.

Paliwanag ng senador, kapansin-pansin na hindi gaanong nagsasalita ukol sa isyu ng human rights violations si CHR Chairperson Chito Gascon dito sa PIlipinas ngunit sa ibang bansa ito nagrereklamo.

Giit pa ng senador na ang tanging basehan lamang ni Gascon sa kanyang mga statements sa ibang bansa ay ang mga pahayag ni pangulong Duterte.

Sinabi pa nito na kung ikukumpara ang datos ng mga patayan ngayong Duterte administration at noong nakaraang administrasyon ay halos magkapantay lamang ito.

Ang tanging pagkakaiba lamang aniya ay ang pagiging ‘maangas’ sa pagsasalita ni Pangulong Duterte.

Read more...