Ito ang resulta ng isang research ng property consulting company Colliers Philippines.
Batay sa pagsasaliksik, lumalaki ang vacancy rates sa mga shopping malls ngunit tumataas naman ang halaga ng rental fee.
Posibleng madagdagan pa ito sa mga susunod na taon dahil sa dumaraming mga malls na itinatayo sa Metro Manila.
Tanging ang mga ‘regional’ at mga ‘superregional malls’ o mga malls na malalaki ang nakakapagtala ngayon ng 97 hanggang 99 percent na occupancy rate.
Samantalang ang mga maliliit na mga mall ay patuloy na nakakapagtala ng mababang tenant occupancy.
Isa aniya sa kanilang nakikitang dahilan kaya’t nababawasan ang bilang ng mga tenants sa mga mall ay ang kawalan ng pagkakaiba o ‘uniqueness’ sa mga establisimiyento.
Upang maka-engganyo aniya ng mga tenants, dapat ay magkaroon ng lifestyle-oriented tenant mix sa mga mall upang maka-akit ng mga mamimili.