Higit 300 pamilya, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig sa Davao City

 

Hindi bababa sa 300 pamilya ang sapilitang inilikas sa kanilang mga lugar makaraang tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog sa Davao City, Huwebes ng gabi.

Partikular na naapektuhan ng forced evacuation ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog sa Bgy. Talomo Proper at Bgy. Matina Crossing.

Sinimulan ang evacuation dakong alas-8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig sa mga ilog na bumabagtas sa dalawang barangay.

Sa pangambang umapaw ang mga ito, nagpasya ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang pagpapalikas sa mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.

Simula pa noong Miyerkules, nakakaranas na ng mga pag-ulan sa lungsod bunga ng thunderstorms.

Read more...