‘I am Pogay’ winner, itinanghal na ‘Mr. Gay World 2017’ sa Spain

 

Isang Pinoy ang itinanghal na 2017 Mr. Gay World sa contest na ginanap sa Spain.

Nakuha ng Mr. Gay Philippines contestant na si John Raspado ang naturang titulo bukod pa sa iba pang special awards sa naturang patimpalak.

Wagi rin ito bilang Mr. Interview, Best in Swimwear, Best in Formal Wear, Mr. Online Vote at Mr. Social Media sa finals show na isinagawa sa Maspalomas, Spain.

Nakalaban ni Raspado sa titulo ang kandidato ng Spain na si Candido Arteaga na naging 1st runner-up.

2nd runner-up naman ang contestant mula sa Belgium na si Raf Van Puymbroeck at 3rd runner-up naman si Marco Tornese ng Switzerland at 4th runner-up si Alexander Steyn ng South Africa.

Todo-pasasalamat naman si Raspado mga sumuporta sa kanya at sa kanyang pagkapanalo na kauna-unahan para sa Pilipinas sa larangan ng Mr. Gay World contest.

Noong 2014 unang nagwagi si Raspado bilang ‘I am Pogay’ grand winner sa noontime show ng ABS-CBN.

Read more...