Trump, may 60% tsansang mai-impeach

 

Patuloy na lumalaki ang tsansang ma-impeach si US President Donald Trump, batay sa pinakahuling resulta ng online booking companies.

Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 60% ang posibilidad na ito dahil sa pinakahuling hakbang ni Trump na sibakin sa puwesto si FBI Director James Comey kamakailan.

Si Comey ang nangunguna sa imbestigasyon sa umano’y pakikialam ng Russia sa nakalipas na halalan at ang umano’y ugnayan ng mga kaalyado ni Trump sa Kremlin.

Ayon sa bookmaker na Paddy Power, ito na ang pinakamataas na ‘odds’ na kanilang nakuha kasalukuyan.

Ilan sa mga ‘online bookies’ ay nagpapataya sa posibilidad na matanggal sa puwesto si Trump bago matapos ang kanyang termino.

At dahil sa pagsibak kay Comey, tumaas ang ‘odds’ sa posiblidad na ito.

Read more...