Ang pagkakaroon ng code of conduct sa naturang rehiyon ang binabalangkas ng Association of Southeast Asian Nation sa pag-asang maiibsan ang tensyon sa South China Sea.
Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ito’y dahil kung agad pipirma ang China sa isang code of conduct, ay posibleng hindi nila matapos ang kontrsuksyon ng mga strukturang kanila nang naumpisahan sa naturang lugar.
Paliwanag ni Carpio, posibleng may mga plano pa ang China na i-develop ang Panatag shoal sa nalalapit na hinaharap kaya’t malamig ito sa pagkakaroon ng code of conduct para sa lahat ng mga claimant countries sa South China Sea region.