Suspek sa credit card fraud, arestado

 

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group ang isang lalaking sangkot umano sa credit card fraud.

Kinilala ni PNP-ACG Spokesperson Supt. Jay Guillermo ang suspek na si Stephen Francis Lucena, residente ng Tomas Mapua St., Sta Cruz,Manila.

Ayon kay Guillermo, ginamit ni Lucena ang credit card na pagmamay-ari ng isang Crispin Rumbawa sa pamimili ng mga mamahaling cellphone.

Naaresto umano si Lucena nang bibili ulit ng mamahaling cellphone sa isang mall sa Mandaluyong City.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan nitong nakilalang si Nathalia Tripon alias Liah kung saan niya ipinasa ang cellphone na una nilang nabili.

Batay sa record ng bangko, umabot na umano sa 300 thousand pesos ang halaga ng nabili ni Lucena gamit ang nasabing credit card.

Palusot naman ng suspek, napulot lang umano niya ang credit card sa Tondo, Manila at sinubukang gamitin dahil wala itong trabaho.

Pero sa imbestigasyon, napag-alaman na nagpagawa pa ito ng ID ng isang kilalang telco gamit ang pangalan ng nasa credit card upang palabasin na siya ang may ari nito.

Read more...