Hindi bababa sa 228 mga residente ng lungsod ang nagkaisang magbantay partikular sa bisinidad at baybayin ng Puerto Princesa City na kilalang puntahan ng mga turista, dayuhan man o lokal.
Karamihan sa mga ito ay mga helper at mga barangay officials at mga bangkero sa PPUR.
Ang mga naturang volunteer ay makakatuwang ng mga pulis at sundalo na maglilibot sa mga entry points at sa bisinidad ng Underground River upang matiyak na ligtas ang mga dadayo sa lugar.
Nitong nakaraang araw, nagpalabas ng travel advisory ang mga embahada ng Amerika at UK na pinag-iingat ang kanilang mga citizens sa pagbisita sa Palawan dahil sa banta ng pagdukot ng mga bandidong grupo.
Naghahanda naman ang lokal na pamahalaan at mga travel agencies sa negatibong epekto sa Turismo ng naturang advisory.