Duterte, nagbigay ng marching order kay DENR Sec. Roy Cimatu

CIMATU“Maging totoo sa sarili at sa bayan”.

Ito ang naging marcher order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu.

Ayon sa pangulo, mahigpit ang kanyang bilin kay Cimatu na pangalagaan ang kalikasan.

Pinaalalahan din ng pangulo si Cimatu na ipatupad ng maayos ang mining law sa bansa.

Sa ngayon, aminado ang pangulo na hindi pa niya napagdedesisyunan kung itatalaga pa sa gobyerno si dating Environment Secretary Gina Lopez.

Matatandaang hindi nakalusot si Lopez sa Commission on Appointments dahil sa mga naging desisyon nito ukol sa pagmimina.

Ayon sa pangulo, naghahanap pa siya ngayon ng babaeng madaldal na maaaring italaga rin sa gobyerno.

Read more...