Ikawalong graft case laban kay Ex-Mayor Echiverri, isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan

enrico echiverri
INQUIRER FILE PHOTO

Isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang ikawalong graft case laban kay dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

May kaugnayan ang kaso sa umano’y maanomalyang road project sa siyudad noong 2012 na nagkakahalaga ng 3.6 million pesos.

Bukod kay Echiverri ay kinasuhan din si dating City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia ng tig-isang count ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

May hiwalay na kasong one count ng falsification of public documents na isinampa laban kina Centeno at Garcia.

Sinabi ng Ombudsman na pinaboran ng respondents ang Tuchar Construction na makuha ang kontrata para sa pagsemento ng mga kalsadang Cherry Blossom, Rose, Ilang-ilang sa Barangay 187 nang walang authorization mula sa sangguniang panlungsod ng Caloocan.

Sa ngayon ito na ang ikawalong graft case na kinakaharap ni Echiverri.

Ang unang pitong mga kaso ay nasa ilalim ng iba’t-ibang division ng anti-graft court, lahat ay may kaugnayan sa umanoy maanomalyang drainage at construction projects sa lungsod mula 2011 hanggang 2013.

Read more...