Aguirre, suportado ang hiling ni Janet Napoles na malipat ng kustodiya

AguirreSuportado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang hiling ni pork barrel scam queen Janet Napoles na ilipat siya sa National Bureau of Investigation dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Ayon kay Aguirre, posibleng pagbigyan niya ang hirit ni Napoles na ilipat siya sa kulungan sa NBI mula sa Correctional.

Paliwanag ng kalihim, hindi na convicted prisoner si Napoles kaya dapat na itong alisin sa pasilidad ng Bureau of Corrections.

Aminado si Aguirre na kinunsidera niya ang umano’y death threats kay Napoles para paboran ang hiling nito.

Mula April 2015 ay nakakulong si Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong matapos itong ma-convict sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy.

Inabswelto ng Court of Appeals si Napoles noong May 5 pero nakakulong pa rin ito dahil sa kinakaharap na plunder at graft cases kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund ng ilang mambabatas.

Sunod na hiling ng kampo ni Napoles na gawin itong state witness at makapag-piyansa sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.

Read more...