3 patay sa anti-illegal drug operations ng militar sa Maguindanao

Patay ang tatlo katao sa naganap na sagupaan sa pagitan ng militar at isang grupo na hinihinalang sindikato ng iligal na droga sa Pandag, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Makabayan Battalion ng Philippine Army, magkatuwang na nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang kanilang tropa at ang Datu Paglas Police.

Target aniya ng operasyon ang grupo ni Abdulatip Pendaliday alyas Commander “Grass Cutter” na umano’y sangkot sa illegal drug trade.

Papalapit na aniya sila sa hideout ng grupo nang paulanan ng bala ang kanilang tropa.

Kinilala ang mga napatay na sina Samir Pendaliday, Nastudin Saligan at Rakim Pendaliday, na mga residente ng Lipao, sa bayan ng Datu Paglas.

Narekober sa grupo ang tatlong M16 rifles, tatlong M203 at isang M79 na grenade launchers.

Nakumpiska din ang tatlumpu’t apat na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Read more...