8 patay sa 5.4 magnitude na lindol sa China

CHINA LINDOL 5.4
USGS MAP

Hindi bababa sa walo katao ang nasawi matapos tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Xinjiang, Beijing, China.

Batay sa datos ng US Geological Survey, tumama ang naturang lindol sa 213 kilometers south-southwest ng Silk Road City, sa Kashgar, bandang 5:58 kaninang umaga.

Ayon sa Xinhua news agency, kumpirmadong walo ang namatay sa pagyanig habang labingisa naman ang nasugutan.

Madalas tinatamaan ng lindol ang China, lalo na ang western ay southwestern regions nito.

Matatandaang noong February 2003, aabot sa 268 katao ang namatay dahil sa pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Xinjiang.

Read more...