Cayetano, handang magresign at makulong kapag mali ang ipinrisintang human rights record ng Pilipinas sa UN

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Handang magbitiw sa kanyang puwesto at makulong si incoming Foreign Affairs Secretary at Sen. Alan Peter Cayetano sakaling mapatunayan na mali ang ipinrisinta na human rights record ng Pilipina sa United Nations Human Rights Council.

Ito ang naging tugon ni Cayetano matapos batikusin ang naging presentasyon niya sa UN Council at tawagin na isang “cover-up”.

Lumipad patungong Geneva, Switzerland ang grupo ni Cayetano para ipagtanggol ang war on drugs ng Duterte administration sa Universal Periodic Review sa UNHRC.

Sa isang press conference sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ni Cayetano na bahagi ng kanyang trabaho ay sabihin ang katotohanan at magbigay ng tamang report ukol sa war on drugs ng pamahalaan.

Nilinaw din ni Cayetano na ang bilang nga extrajudicial killings sa bansa ay hindi lahat konektado sa war on drugs.

Mali aniya ang bilang ng kaso ng EJKs na iniulat sa United Nations.

Sa naging presentasyon ni Cayetano sa UNHRC sa Geneva, sinabi ng senador na walang umiiral na state-sponsored extrajudicial killings sa Pilipinas.

Hinikayat pa ni Cayetano ang UNHRC na bumisita sa bansa para personal na makita ang sitwasyon.

Read more...