Itoy matapos bumaba ang trust rating ni Robredo ng labinlimang puntos, pero nananatili ito sa “good” category, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS.
Batay sa survey na isinagawa noong March 25 hanggang 28, mahigit sa kalahati ng mga Filipino o 55 percent ang nagpahayag ng kanilang “much trust” sa bise presidente, habang 25 percent ang may “little trust”.
Nagreresulta ito sa net trust rating na +30, na mas mababa sa +45 noong December 2016.
20 percent naman sa 1,200 na adult respondents ang hindi nagsabi kung nagtitiwala sila o hindi kay Robredo.
Matatandaang noong June 2016, umabot sa “very good” level na +63 ang trust rating ng bise presidente habang nasa +58 naman ito noong September 2016
Kasunod nito, ipinaabot ni Robredo ang kanyang pasasalamat sa mga Filipino na patuloy na nagtitiwala sa kanya at sa kanyang pamumuno bilang pangalawang pangulo ng bansa.