Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, pinag-aaralan na nila ang pagbuo ng isang proyekto na tutulong sa mga drug users para hindi na bumalik sa kanilang nakasanayang gawain.
Layunin ng naturang proyekto ng EU na ipakita sa mga drug addict ang kahalagahan ng pagiging ‘drug-free’.
Sakaling buo na ang proyekto, unang ipatutupad ito ng EU sa mga barangay sa Luzon.
Kung magiging epektibo aniya ang nasabing proyekto, ipatutupad na din ito ng EU sa iba pang lugar sa labas ng Luzon.
Sinabi din ni Jessen na nakikipag-ugnayan na din ang EU sa Department of Health at sa World Health Organization para sa implementasyon ng proyekto.