Naapektuhan ng sunog ang mga residente ng Sampaguita Ville, Bgy. 197, Pasay City na sumiklab dakong alas-7:40 ng gabi.
Dahil sa lakas ng apoy, agad na iniakyat sa ikaapat na alarma ng mga kagawad ng pamatay-sunog ang insidente, dahilan upang rumesponde ang iba pang mga fire trucks mula sa mga kalapit na lugar.
Ayon kay Supt. Carlos Dueñas, fire marshall ng Pasay City,
nahirapan rin ang mga bumbero na mabilis na apulain ang sunog dahil sa makikipot na mga daanan papasok sa lugar.
Naging mapanganib rin para sa mga apektadong residente at maging mga rumespondeng kagawad ng pamatay-sunog ang mga humambalang na linya ng kuryente sa lugar.
Maswerte namang walang nasaktan sa insidente.