Alyssa Valdez at Mika Reyes, magsasama sa isang team

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang kanilang paghaharap bilang magkaribal noong panahon ng UAAP, magsasama naman ngayon sa iisang koponan sina Alyssa Valdez at Mika Reyes.

Ang dalawa ay kapwa naglaro bilang magkalaban sa hiwalay na teams sa larangan ng women’s volleyball sa UAAP games.

Si Valdez ay naglaro sa Ateneo De Manila University Lady Eagles samantalang si Reyes ay naging miyembro naman ng Dela Salle University Lady Spikers.

Ang dalawa ay magkakasama sa fundraising volleyball event na tinaguriang ‘Clash of Heroes’ na layong tulungan ang mga lalahok sa SEA Games sa buwan ng Agosto.

Sina Reyes at Valdez ay magsasama sa Pilipinas-Blue Crew, na haharap sa iba pang koponan sa May 15 sa Filoil Flying V Arena Centre sa San Juan City.

Bukod sa dalawa, kasali rin sa benefit event ang iba pang mga manlalaro sa katatapos lamang na season ng UAAP womens volleyball tournament.

Read more...