Ed Sheeran, magku-concert muli sa Pilipinas

 

Babalik sa bansa ang sikat na singer-songwriter na si Ed Sheeran.

Inanunsyo ng mang-aawit ang na siya ay bibisita sa bansa sa buwan ng Nobyembre bilang bahagi ng kanyang Asia tour.

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nadagdag sa listahan ng kanyang pagdarausan ng concert ngayong taon.

Kasama sa kanyang tutunguhin ang Dubai, Singapore at Kuala Lumpur sa Malaysia.

Magku-concert rin si Sheeran sa Taipei, Osaka, Seoul, Tokyo, Hong Kong, Jakarta, Bangkok at Mumbai sa pagitan ng mga buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Una nang nag-concert si Sheeran sa Pilipinas noong 2015.

Kabilang sa mga sikat na kanta ni Sheeran ang “Thinking Out Loud”, “Photograph” at “Shape of You”.

Read more...