Sa kanyang talumpati sa kasagsagan ng National Assembly makaraan siyang ideklarang panalo sa halalan, nangako si Moon Jae-in na isusulong ang kapayapaan sa Korean Peninsula sa gitna ng lumalalang tensyon sa naturang rehiyon.
Lahat aniya ng dapat kausapin upang maisulong ang kapayapaan ay kanyang kakausapin.
Kung kinakailangan aniya, handa siyang magpunta sa Washington, Beijing, Tokyo at maging sa Pyongyang upang maisulong ang mapayapang resolusyon ng sitwasyon sa Korean peninsula.
Nagpahatid na rin ito ng mensahe ng pagkakaisa sa kanyang mga nakalaban sa pulitika sa nakalipas na eleksyon upang maumpisahan na ang pagpapatuloy ng pag-unald ng kanilang bansa.