Mga mambabatas, delikado kay Napoles-Lacson

janet-napolesNangangamba si Senador Panfilo Lacson sa posibilidad na magturo na lamang nang magturo si Janet Lim Napoles ng iba pang mga mambabatas na ilegal na nakinabang sa pork barrel scam.

Ito ayon kay Lacson ay kung magiging state witness ang itinuturong utak ng pork barrel scandal.

Dagdag pa ni Lacson na baka malipat na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang quorum sa Senado at Kamara kapag isinabit pa ni Napoles ang ilang mambabatas.

Sinabi pa ng senador umaasa siya na lahat ay tutukuyin ni Napoles at hindi lang nito pipiliin ang kanyang mga ituturo dahil sa politika.

Dagdag pa nito na may nalalaman siya na dapat ay kabilang sa mga kinasuhan base na rin sa ibinahagi sa kanya mismo ni Napoles.

Pagdidiin pa ni Lacson ang mga magiging alegasyon ni Napoles ay dapat na suportahan nito ng matitibay na ebidensiya.

Read more...